WebClick Tracer

Yen Santos hindi buntis – Paolo

Usap-usapan ng mga netizen ang umano’y pagbubuntis ni Yen Santos at si Paolo Contis ang ama.

Ito’y matapos kumalat ang mga larawan nina Yen at Paolo na magkasama na tila magbabakasyon dahil sa bitbit nilang maleta at backpack.

Makikita sa mga larawan, na nakasuot ang aktres ng oversized long sleeve shirt at maumbok ang tiyan.

Kaya naman maraming netizen ang naghinala na buntis ito.

Pinabulaanan naman ng talent manager na si Ogie Diaz ang pregnancy tsismis tungkol kay Yen.

Ayon daw kay Paolo, nagmukha lang mataba si Yen dahil sa hangin.

“‘Yung tungkol doon sa kung buntis ba si Yen Santos, as per Paolo, hindi buntis si Yen Santos,” ani Ogie sa kanyang Youtube channel.

“Ang payat nga raw ni Yen Santos. Ang nakunan daw ay ‘yung paglipad nung damit ni Yen Santos kaya nagmukha siyang mataba kasi ang hangin that time,” dagdag niya. “Hintayin natin silang dalawa. Hindi para pangunahan natin sila at umepal-epal tayo dito.”

Nagkasama sina Paolo at Yen sa Netflix film na “A Faraway Land”.

TELETABLOID

Follow Abante News on