Isang single mother ang nagsilang ng kanyang unang baby ngayong Bagong Taon sa Jose Fabella Memorial Hospital.
Nanganak si Catherine Llantos, 21, mula sa bayan ng Silang, Cavite, ng isang baby girl sa pamamagitan ng normal delivery, ilang minuto lamang makalipas ang pagpatak ng taong 2022.
Iniluwal si baby Alexa ng alas-12:11 ng hatinggabi nitong January 1, 2022.