WebClick Tracer

Dingdong tutol sa pagsabak ni Zia sa beauty contest?

Nagbigay ng saloobin si Dingdong Dantes tungkol sa posibilidad na pagsali ng panganay nila ni Marian Rivera sa mga beauty contest.

Gaya ng kanyang inang si Marian, taglay ni Zia ang ganda ng kanyang ina, at may talento rin ito sa pagkanta.

Sa ngayon sabi ng aktor ay masyado pang bata si Zia para pag-usapan ang tungkol sa pagsali ng kanilang 6-year-old daughter sa mga beauty contest.

Pero anuman daw ang magpapasaya sa kanilang anak, suportado nila ito.

“It’s probably too early to talk about this,” sey ng aktor sa isang ulat.

“But one thing is for sure: Whatever makes her happy and wherever she will excel, Marian and I will be there to support her. Our role as parents is to show her options—whether she wants to sing, focus on academics, or take on sports—we will do our best to help her achieve her goals and support her 100 percent,” patuloy niya.

TELETABLOID

Follow Abante News on