45

Feb 11, 2021 @ 15:50
By

2022 elections hindi mapipigilan ng pandemya – Comelec

Tiniyak ng Commission on Elections (Comelec) na kahit nasa gitna ng coronavirus disease pandemic ang mundo ay tuloy ang May 2022 polls sa Pilipinas.

Sa katunayan, anang Comelec, pansamantala na nilang itinakda ang paghahain ng Certificates of Candidacy mula Oktubre 1 hanggang Oktubre 8, 2021.

“The May 2022 elections will definitely push through. It is the mandate of the Comelec to conduct the elections in May 2022,” lahad ni Comelec Chairman Sheriff Abas sa isang virtual press briefing nitong Huwebes.

“The commission is preparing for the 2022 elections…we already have the calendar of activities,” dagdag niya.

Gaya aniya ng nakaraang 2019 elections ay automated pa rin ang darating na halalan.

Matatapos naman aniya ang voter registration sa Setyembre 30, 2021.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?