14

Oct 12, 2021 @ 14:44
By

2022 budget ng COA, aprub agad sa Senado

Sa loob lamang ng sampung minuto, inaprubahan agad sa Senate finance subcommittee ang panukalang P14.463 bilyong pondo para sa 2022 ng Commission on Audit (COA).

Agad na inindorso ni Senador Sonny Angara, chairman ng Senate finance committee ang panukalang pondo ng COA sa plenaryo dahil walang senador ang gusto mag-interpellate sa audit body.

“I think more than ever we’ll just as supportive if not more, since it’s your last year. And we’ve seen how the commission has worked under you, you’ve set a good example, no controversies,” sabi ni Angara.

Pinuri din nito si COA chairperson Michael Aguinaldo dahil sa pagbibigay ng atensiyon sa pagtatayo ng gusali ng COA sa bawat lalawigan sa buong bansa.

“That’s a nice legacy that you’ve given home to the provincial COAs. Well done, sir,” sabi pa ni Angara.

Sa kanyang presentasyon sa komite, hiniling ni Aguinaldo sa Senado na suportahan ang kanilang kahilingan na dagdag pondo para sa maintenance and other operating expenses (MOOE), gayundin sa capital outlay para sa pagtatayo ng dagdag na provincial satellite auditing offices (PSAOs).

Nitong Hunyo 30, magigit 54 PSAOs na ang naipatayo ng ahensiya at inaasahang aabot ito sa 68 sa susunod na taon.

“In total, we have about 67 or 68 buildings that we hope will be completed by next year. So konti na lang po, we’ll be able to get for each province, malapit na po,” lahad ni Aguinaldo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?