Isang AUV ang bumaliktad matapos itong sumalpok sa mga concrete barrier sa EDSA Kamuning nitong Biyernes.
Ayon sa driver ng sasakyan, pumunta itong Balintawak upang bumili ng mga prutas para sa pagdiriwang ng Bagong Taon, ngunit maraming tao kaya pinili nitong umuwi na lamang.
Habang nagmamaneho ay nakaidlip umano ito kaya bumangga sa hilera ng mga barrier sa Kamuning bandang alas-4 ng madaling araw.
Nagdulot naman ng matindi trapiko ang nasabing insidente.