WebClick Tracer

Pinulutan sa PBB! Alexa hindi nakikitang ‘Big winner’ si Brenda

Matapos ma-evict sa Pinoy Big Brother (PBB) house nakarating na kay Alexa Ilacad ang mga pag-uusap ng mga housemate tungkol sa kaniya.

Sa recent Kumu Live, sinagot ni Alexa ang mga tanong sa kaniya tungkol kay Brenda Mage.

Aniya, nalaman na niya ang lahat tungkol sa mga pinagsasasabi ni Brenda.

“I know everything: the good, the bad, and the ugly. I’m not gonna lie and be hypocrite. And I will say na masakit. Ang sakit talaga,” pahayag ng aktres.

“Wala akong ka-ide-idea na para na pala akong pulutan sa Bahay ni Kuya,” saad pa ni Alexa.

Dagdag pa niya, hindi niya agad malalapitan si Brenda kung sakaling lumapit man ito.

“So, if I were to approach that person siguro it would take time. I think, for the other side kesa sa akin, kasi mabilis akong magpatawad. And I don’t like holding grudges. I think life is too short for all of that.”

Sinabi ni Alexa, kung humingi man ng tawad o hindi si Brenda ay patatawarin niya ito.

Para sa kaniya ay hindi umano “Big Winner” ang naging attitude ni Brenda.

“Because I think na yung actions and yung words na nabitawan niya are not really Big Winner attitude. So, that’s just my opinion,” ani Alexa.

TELETABLOID

Follow Abante News on