WebClick Tracer

Entrance fee sa Manila Zoo libre sa buong Enero 2022

Maaari nang bisitahin ng publiko ang bagong renovate na Manila Zoo ng libre para sa buong buwan ng Enero 2022.

Ayon sa alkalde ng Manila na si Mayor Isko Moreno nitong Huwebes, habang ginagawa pa ang ordinansa kung magkano ang fee sa nasabing pasyalan, ay magiging libre muna ito.

“Habang ginagawa po ‘yung ordinansa kung magkano ang bayarin sa entrance, one-month free ang Manila Zoo the entire January,” saad ni Moreno.

Aniya, para maiwasan ang pagsisiksikan ng mga mamamasyal ay magkakaroon sila ng capacity limit na ipapaalam nila sa lalong madaling panahon.

“Antabayanan po ninyo anong dami lamang na tatanggapin in a given time,” pahayag pa ng alkalde.

Dagdag pa niya, i-aanunsyo rin nila kung anong oras magbubukas at magsasara ang nasabing pasyalan.

TELETABLOID

Follow Abante News on