Bagamat napalabas na ng Bahay ni Kuya, ‘di maitatangging malaki ang naitulong ng reality show na Pinoy Big Brother: Kumunity Season 10 sa karera ni Alexa Ilacad.
Patunay nito, umakyat na sa tatlong milyon ang kanyang mga Instagram follower.
“Fresh start. Happy 3M, IG fam,” saad ng young actress sa caption ng kanyang IG post.
Nasandalan ni Alexa ang kanyang mga fan sa kanyang PBB stint kung saan ilang beses siyang nailigtas sa eviction.
Gayunman, nitong nakaraang weekend ay hindi na naisalba si Alexa ng sapat na ‘save’ votes at lumabas na ng bahay kasama ni KD Estrada. (mjd)
Bianca Umali binuyangyang ang katawan sa IG