Inilabas ng Professional Regulation Commission (PRC) nitong Miyerkoles ang resulta ng December 2021 Certified Public Accountant Licensure Exam (CPALE), kung saan 21.87% lamang ng mga kumuha ng exam ang nakapasa.
Ayon sa PRC, 318 lamang ang nakapasa mula sa 1,454 na sumubok sa CPALE.
Ang 1,454 na kumuha ng exam ay taga-NCR lahat, sapagkat sila sana ay kasabay sa October 2021 CPALE ngunit nasa Alert Level 4 pa ang Metro Manila noon kaya nausad ang pagsusulit ngayong Disyembre.
Noong Oktubre, 361 lamang mula sa 2,367 examinee sa iba’t-ibang parte ng bansa ang nakapasa.
Hindi rin isinaad ng PRC ang mga topnotcher at top-performing school.
Makikita ang listahan ng mga nakapasa sa: https://www.prcboard.com/cpale-results-december-2021-certified-public-accountant-cpa-board-exam-passers/
‘Papa P’ Piolo Pascual hinimas ang Abante reporter, kinilig!