WebClick Tracer

Napikon? Janno Gibbs nag-walk out sa press conference

Tila napikon ata ang actor-singer na si Janno Gibbs sa ginanap nitong Martes na digital press conference para sa “Sanggano, Sanggago, at Sanggwapo” ng Viva Films.

Napa-walk out si Janno matapos na magkomento tungkol sa kaniyang asawa na si Bing Loyzaga ng aktres na si Giselle Sanchez.

Tinanong kasi ni Dennis Padilla, na kabilang sa pelikula, si Giselle kung sino ang gustong maka-one night stand o pipiliin nitong maging boyfriend.

Pinili ni Giselle si Andrew E., kabilang din sa pelikula, na maka-one night stand at si Dennis bilang boyfriend.

Sinabi naman ni Dennis: “Pag si Janno naka one-night stand mo, talagang mapapa I love you ka dyan!”

Sinagot naman ito ni Giselle: “Malakas sumipa itong si Bing Loyzaga, I know from history. hahahahaha! May sinipa na yan sa recording studio. Hindi ako naninira nasabi ko lang na malakas siyang sumipa.”

Habang inuusisa si Giselle kung sino ang sinasabing sinipa ni Bing, doon na umalis si Janno sa digital press conference.

“Ayoko nga! Matagal na yun! Past is past! Ano Janno? Ninerbyos ka ba Janno? hahahahaha! Hala! Janno left the group! Joke lang yun, Janno! Janno bumalik ka! Galit ba talaga siya? Janno balik! Balik! Nagjo-joke lang ako. hahahahaha!”

Tinawag pa ni Dennis na “Makon” si Janno na ang ibig sabihin ay “Mare, may napikon.”

Gayunpaman, makalipas ang halos isa’t kalahating oras, hindi na bumalik si Janno sa press conference. (Sherrylou Nemis)

Abantelliling with Ritz Azul

TELETABLOID

Follow Abante News on