WebClick Tracer

Lisa pinakamagandang bebot; Ivana ‘di pahuhuli

Tinanghal ng TC Candler si Lisa ng BLACKPINK bilang Most Beautiful Face of 2021, ngunit ‘di naman papaiwan ang Pinay vlogger na si Ivana Alawi.

Sa naturang listahan, inilabas ng TC Candler ang Top 100 ng mga pinakamagandang babae mula sa 130,000 personalidad sa 45 bansa.

Pinagbatayan nila sa pagpili ng nasa Top 100 ang “aesthetic perfection, grace, elegance, originality, daring, passion, class, poise, joy, promise, at hope.”

“Congratulations, Lalisa,” saad ng TC Candler. “Keep dropping all that money!”

Samantala, Pinoy pride naman ang dala ni Ivana nang makuha nito ang ikaapat na pwesto.

Pangalawa naman si Emilie Nereng, si Halima Aden ang pangatlo habang si Nancy ng MOMOLAND ang pang-apat.

Bukod kay Lisa, ang iba pang miyembro ng BLACKPINK na nasa Top 100 ay sina Rose (17th), Jisoo (26th) at Jennie (30th).

Sa 2020 edisyon ng ranking ay pangalawa na si Lisa, sa likod ni Yael Shelbia. (mjd)

TELETABLOID

Follow Abante News on