WebClick Tracer

Chavit ‘namaril’ ng kwarta

Upang makaiwas sa close contact habang nagbibigay ng aguinaldo, gumamit si Narvacan Mayor Chavit Singson ng ‘cash cannon’ sa pagpapaulan ng kwarta sa mga mamamayan sa kanilang lugar.

Sa isang Facebook post nitong Martes, makikita sa video ang paggamit ni Singson ng cash cannon na nagbubuga ng P100 at P500 bill sa mga tao.

Mula sa kanyang sasakyan ay binabaril ng alkalde ang mga taga-Narvacan ng kwarta.

Gayunman, bagamat si Singson ay nakaiwas sa close contact, ang mga taong nag-aabang ng aguinaldo naman ang nagkagulo habang pinupulot ang pera mula sa cash cannon.

Matatandaang naghain si Singson ng kandidatura para sa pagka-bise gobernador ng Ilocos Sur ngunit inatras niya ito matapos makalaban ang kanyang anak. (mjd)

https://www.facebook.com/watch/?v=754402999286336

‘Papa P’ Piolo Pascual hinimas ang Abante reporter, kinilig!

TELETABLOID

Follow Abante News on