WebClick Tracer

Vaxx card, online booking kailangan bago bumisita sa Dolomite beach

Sa muling pagbubukas ng Manila Baywalk Dolomite beach sa publiko, inaasahan ang pagdagsa ng mga tao na nais bumisita sa pasyalan.

Ngunit bago makapasok sa lugar kakailanganin munang kumuha ng online booking ng mga pupunta.

Maaring makakuha ng QR code na pwedeng makita sa https://denrncrsys.online/ na magsisilbi ring contact tracing.

Makakatanggap ng email mula sa DENR na nagkukumpirma ng kanilang appointment ang mga nagparehistro.

Papayagan naman ang mga walk-in na hindi nakapag-book basta ang mga ito ay may vaccination card at fully vaccinated na.

Samantala, bibigyan lamang ng 1 oras ang mga bibisita.

TELETABLOID

Follow Abante News on