WebClick Tracer

Lay-up ni Morant nagsalba sa Grizzlies kontra Suns

Sumalaksak si Ja Morant at ipinasok ang isang mahirap na lay-up may 0.5 segundo sa orasan upang bitbitin ang Memphis Grizzlies tungo sa 114-113 panalo kontra Phoenix Suns ngayong Martes.

Naghabol ang Phoenix sa kabuuan ng laban bago ibigay ni Devin Booker ang 113-112 lamang para sa Suns sa kanyang tres may 5.0 segundo sa laban.

Ngunit ‘di pumayag si Morant na kay Booker ang huling halakhak.

Binalewala ni Morant ang depensa ng Phoenix bago isalpak ang mahirap na lay-up para ibigay sa Memphis ang lamang at ang panalo.

Tumapos si Morant ng may 33 points, na sinuportahan ni Desmond Bane na kumana ng 32 points.

Bumida naman si Booker para sa Suns sa kanyang 30 points, habang may 19 points si Cam Johnson.

Parehong kulang ang pwersa ng magkabilang-koponan dahil sa health and safety protocols ng NBA.

TELETABLOID

Follow Abante News on