WebClick Tracer

3 taon na! Hipon Girl nakabingwit sa dating site

Ipinagmalaki ni Herlene ‘Hipon Girl’ Budol na tatlong taon na siyang may relasyon sa isang non-showbiz boyfriend na nakilala niya sa isang dating site.

Ito ang inamin ni Hipon Girl sa panayam ng ‘The Boobay and Tekla Show.’

Hindi rin isinikreto ni Budol ang tunay na pangalan ng dyowa.

“Troy! Shoutout sa ‘yo, Troy. I love you. Nakilala ko ‘yan sa dating app,” kwento ng host-comedian.

Kwento pa niya, sa dating app na Tinder niya unang naka-chat si Troy at matapos ang ilang araw ay nagkita sila ng personal.

“Saglit lang kasi gusto ko makaluwas ng Maynila noon. Tapos sabi niya taga-Paco, Manila siya tapos sinabi ko, ‘Angas nun ah. Malapit ka ba sa Quiapo?’” kwento ni Budol. “E, gusto ko na talagang makapunta noon ng Quiapo, gusto kong pumunta, e gusto ko siya na lang kasama ko.”

TELETABLOID

Follow Abante News on