WebClick Tracer

Alexa, KD, nagbabu na sa Bahay ni Kuya

Lima na lang ang natitirang housemate sa loob ng Bahay ni Kuya matapos ma-evict nitong Linggo sina Alexa Ilacad at KD Estrada.

Dikitan ang naging botohan sa limang mga nominado kung saan si KD at Alexa ang nakakuha ng pinakamababang save votes.

Nakakuha si KD ng 16.99%, habang 17.03% naman kay Alexa.

Ang mga kapwa nila nominado na mananatili sa bahay ay sina Anji Salvacion (19.18%), Madam Inutz (18.92%), at Samantha Bernardo (17.98%).

Si Alexa ay isa sa mga naging matunog na pangalan sa kanyang pamamalagi sa bahay at ilang beses na ring nalagay sa nominasyon.

Sa paglabas nila ni KD, sina Anji, Samantha, Madam Inutz, Brenda Mage at Alyssa Valdez na lamang ang natitirang housemate sa Pinoy Big Brother Kumunity Season 10.

TELETABLOID

Follow Abante News on