WebClick Tracer

Sandara gusto ulit magperform sa ‘Pinas

Christmas wish ni dating 2NEI member Sandara Park na muling makatuntong sa Pilipinas upang magperform.

Ito ang ibinahagi ng Koreana sa kanyang Twitter post nitong Sabado.

“2 yrs na ako hindi nakapunta sa phil. Kelan ba last show ko sa Phil?! Parang d ko na naalala and mga shows ngayon puro untact. Ang xmas wish ko is to go back to Phil and be onstage again with u guys,” saad ni Sandara sa post, kung saan ibinahagi rin niya ang kanyang mga cute photo.

Na-excite naman ang kanyang mga follower at nasasabik sa muling pagtatanghal ni Sandara sa Pilipinas.

Bukod sa pagiging dating 2NEI member, nakilala rin si Sandara sa reality show na Star Circle Quest. (mjd)

TELETABLOID

Follow Abante News on