WebClick Tracer

Mills bumida! Nets pinataob Lakers

Umariba ang beteranong si Patty Mills sa pag-iskor ng career-high na 34 points tampok ang walong tres upang tulungan ang Brooklyn Nets na mapabagsak ang Los Angeles Lakers, 122-115, sa Christmas day game ng NBA ngayong Linggo.

Si Mills ang naging pang-gulat ng Nets lalo pa’t wala pa rin ang kanilang superstar na si Kevin Durant.

Bukod kay Mills, bigatin din ang naging laro ni James Harden na kumana ng triple double na 36 points, 10 rebounds at 10 assists.

Ilang beses na lumamang ng malaki ang Brooklyn at nanatiling matikas kahit pa paulit-ulit ding nagtangka ang Lakers na makabalik sa laro.

Muling binuhat ni LeBron James ang Lakers sa kanyang 39 points, ngunit maalat na ang iba niyang kakampi lalo si Russell Westbrook na tumapos ng may 13 points, 12 rebounds at 11 assists, ngunit 4-of-20 ang field goal shooting.

TELETABLOID

Follow Abante News on