WebClick Tracer

Pasig nag-donate ng P5M sa sinalanta ni ‘Odette’

Magbibigay ang Pasig City government ng P5 milyon para sa mga biktima ng bagyong Odette, ayon kay Mayor Vico Sotto.

Aniya, ang donasyon ay ipagkakaloob sa mga provincial government ng Dinagat Islands, Southern Leyte, Negros Oriental, Surigao del Norte at Bohol.

Tatanggap ang mga nasabing lugar ng tig-P1 milyon.

“In the spirit of Christmas, let’s find ways to help those in need,” ani Sotto sa tweet ngayong Sabado.

Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council, lumobo na sa 367 ang death toll sa bagyong Odette ngunit bina-validate pa ito.

TELETABLOID

Follow Abante News on