WebClick Tracer

Coldplay tigil na sa paglabas ng kanta

May pasabog na announcement si Coldplay frontman Chris Martin.

Sa panayam sa BBC Radio 2, sinabi ni Martin na huling album na ng British rock band ang ilalabas nila sa 2025.

Matapos daw nito ay magpopokus na lamang sila sa mga tour.

“Well I know I can tell you, our last proper record will come out in 2025 and after that I think we will only tour,” malungkot na balita ni Martin. “Maybe we’ll do some collaborative things, but the Coldplay catalog, as it were, finishes then.”

Lumabas ang unang album nilang “Parachutes” taong 2000.

Siyam na studio album ang nai-release nila at iba’t ibang artist ang nakasama, kabilang na si Beyonce at ang BTS.

Ilan sa kantang pinasikat nila ang “In My Place” at “Fix You”.

TELETABLOID

Follow Abante News on