WebClick Tracer

FDA: EUA para sa Covid 19 pill Molnarz pinayagan

Pinahintulutan ng Food and Drug Administration (FDA) ang emergency use ng Molnarz, isang gamot kontra COVID-19.

“Sa ngayon po, mayroon tayong isang binigyan na ng EUA, ito po ‘yung molnupiravir na ang kanyang brand name ay Molnarz,” ani FDA director general Undersecretary Eric Domingo sa Laging Handa briefing.

Ayon kay Domingo, ang Molnarz ay maaari lamang ibigay sa mga pasyentemg may mild hanggang moderate na sintomas ng COVID-19.

“Ito po ay pinapayagan nating ibigay sa mga pasyente na may mild to moderate COVID… Hindi po ito pwede sa mga severe o nangangailangan na ng oxygen,” saad ni Domingo.

Dadag pa nito, ito ay ibibigay lamang sa edad 18 pataas na positibo sa coronavirus at may mga risk factors.

“Ito ay pwede lamang ibigay sa mga adults 18 years old and above na positive sa COVID-19 and merong risk factors for developing severe illness, katulad ng mga senior citizen o mga may comorbidites,” pahayag nito.

TELETABLOID

Follow Abante News on