WebClick Tracer

AKB Party-list namahagi 25K kilo bigas sa apektado ni ‘Odette’ sa Southern Leyte

Naghatid ng mahigit 25,000 kilo ng bigas ang Ako Bicol Party-list (AKB) sa mga nasalanta ng bagyong Odette sa Southern Leyte.

Ayon sa Facebook post ng AKB, bitbit ng dalawang 10-wheeler truck ang mga bigas patungong Maasin, Leyte.

“Dalawang 10-wheeler trucks na naglalaman ng mahigit 25,000 kilos ng bigas ang nakatakdang tumulak patungong Maasin, Leyte bilang tulong ng Ako Bicol Party-list sa mga nasalanta ni super typhoon Odette,” caption sa Facebook post ng AKB.

Matapos umano ang hagupit ng bagyong Odette sa ilang parte ng Pilipinas, agad pinag-utos ni AKB Rep. Zaldy Co ang pag-aayos ng mga ihahatid na pagkain sa nasabing lugar.

Kapitbahay umano ang turing ng AKB sa Southern Leyte kaya tinulungan nila ang lugar.

“Itinuturing ng Ako Bicol ang Southern Leyte bilang “kapitbahay” kaya’t hindi nag-atubiling magpadala ng tulong sa pamamagitan ni Maasin City Mayor Nikko Mercado,” saad sa post.

TELETABLOID

Follow Abante News on