WebClick Tracer

Oil price rollback sasalubong sa Martes

Nag-anunsyo na ang ilang kompanya ng langis ng bawas-presyo sa kanilang produktong petrolyo sa Martes.

Batay sa kanilang mga hiwalay na anunsyo, magtatapyas ng P1.10 sa kada litro ng gasolina at P0.60 sa bawat litro ng diesel ang mga kompanyang Caltex, Cleanfuel, Petro Gazz, Seaoil at Shell.

Magbabawas din ang Caltex, Seaoil at Shell ng P0.50 sa kada litro ng kerosene.

Ito na ang ikaapat na sunod na linggo ng oil price rollback.

Wala pa namang anunsyo ang ibang kompanya ng langis.

TELETABLOID

Follow Abante News on