WebClick Tracer

45% ng Noypi nagsasabing mahirap sila – SWS survey

Lumabas sa survey ng Social Weather Stations (SWS) na inilabas nitong Sabado na nasa 45% ng mga pamilyang Pilipino ang nagsasabing sila’y mahirap.

Katumbas umano nito ang 11.4 milyon pamilya sa Pilipinas.

Gayunman, mas mababa ito sa parehong survey na isinagawa ng SWS noong Hunyo, kung saan 48% o 12 milyon pamilya ang nagsabing mahirap sila.

Ang huling survey naman na inilabas nitong Sabado ay isinagawa noong Setyembre, na may 1,200 respondent.

Dagdag pa nito, nasa 34% ang nagsabing sila ay ‘borderline poor’ habang 21% ang nagsabing hindi sila mahirap.

Ang borderline poor noong Hunyo ay 29%, habang ang nagsabing hindi mahirap sa naturang buwan ay 23 percent.

“Compared to June 2021, Self-Rated Poor fell in the Visayas from 70% to 54%. It fell in Metro Manila from 43% to 34%. It stayed at 38% in Balance Luzon from June 2021 to September 2021. However, it rose in Mindanao from 51% to 58%,” saad ng SWS.

“On the other hand, Borderline Poor rose in the Visayas from 24% in June 2021 to 42% in September 2021. It rose in Metro Manila from 19% to 30%. It rose slightly in Balance Luzon from 28% to 32%. However, it fell in Mindanao from 42% to 34%,” dagdag pa nito.

Ayon naman sa Malacañang, ang pagbaba ng mga nagsasabing mahirap sila ay bunga ng unti-unting pagbubukas ng ekonomiya.

“The results of the survey… show that progress has been made in our efforts to reopen the economy and bounce back from the adverse economic impact of the COVID-19 pandemic,” wika ni acting presidential spokesman Karlo Nograles.

TELETABLOID

Follow Abante News on