WebClick Tracer

Mayor Tiangco barbero ang bagong sideline

Ipinakita ni Navotas City Mayor Tobias Reynald “Toby” Tiangco ang kaniyang bagong kakayahan sa kaniyang Twitter post nitong Nobyembre 15.

Sa kaniyang Twitter post, ibinahagi nito ang isang video kung saan makikitang maingat niyang ginugupitan ang kaniyang anak.

“Naglevel up na po ako. Kaya ko na ring gupitan ang anak ko. Sa susunod, tatanggap na po ako ng talent fee,” caption niya sa kaniyang Twitter post.

Ani Tiangco, mabuting mag-aral ng mga bagong skill na maaring gawing sideline habang nasa pandemya pa ang bansa.

“Kaya aral-aral po tayo pag may time. Ang mga skills na natututunan natin ngayong pandemya, pwedeng maging sideline,” dagdag pa nito.

Malugod ding sinagot ng alkalde ang mga comment tungkol sa kaniyang video. (Sherrylou Nemis)

TELETABLOID

Follow Abante News on