Naghain na ng kanyang certificate of candidacy (COC) sa pagtakbong vice president si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio sa ilalim ng Lakas-CMD.
Ayon sa ulat, nag-withdraw si Lyle Uy, ng Lakas-CMD, ng kanyang COC para sa pagka-vice president kung saan substitute si Mayor Sara.
Kamakailan binawi ni Mayor Sara ang kanyang COC para sa reelection bid sa Davao City.
Matapos ay nagbitiw siya sa partidong Hugpong ng Pagbabago at umanib sa Lakas-CMD.