WebClick Tracer

Angara: Pondo ng NTF-ELCAC‘di magagamit sa eleksyon

Inalis ni Senador Sonny Angara ang pangamba ng ilan na maaaring gamitin ang National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) barangay development fund sa susunod na eleksiyon.

“Hindi e, because ang pumipili is the barangay. It’s not like a candidate will say or the candidate of the administration will say ‘O ito ang gusto kong mapondohan, dito ko gustong ilagay,” sabi ni Angara sa panayam sa ANC.

“These barangays have already been chosen and whether or not these barangays are for a certain candidate or not, they will be given those projects,” dagdag pa nito.

Para sa 2021, binigyan ang NTF-ELCAC ng P19 bilyong alokasyon, kung saan P16 bilyon dito ay inilaan para sa development ng mga barangay na hindi pinagkukutaan ng mga rebeldeng komunista.

Para sa susunod na taon, binasawan ng Senado ng hanggang p24 bilyon ang panukalang P28 bilyong badyet para sa NTF-ELCAC dahil sa kawalan ng ulat kung paano nagamit ang mga nagdaang pondo nito.

“The real reason we cut it is because there was no report forthcoming. Their only report to us was ‘100 percent released by the DBM (Department of Budget and Management) to the local government units all over the country,” ani Angara.

“So the senators we’re not satisfied with that kind of accounting of how the funds were spent. We’d like to know what projects were funded,” saad pa nito.

TELETABLOID

Follow Abante News on