WebClick Tracer

Duterte wala pang desisyon sa bagong PNP chief

Hindi pa nakakapili si Pangulong Duterte ng papalit kay Philippine National Police (PNP) Chief Gen. Guillermo Eleazar, bagama’t malapit na ang naturang desisyon.

Sa naganap na press briefing nitong Lunes, Nobyembre 8, nilinaw ni Presidential Spokesperson Harry Roque na wala pang napipili ang Pangulo na hahali kay Eleazar.

“Wala pa napipili, mayroon lang pong short list. “Pero syempre po, kinakailangang i-anunsiyo naman yan bago magretiro si General Eleazar,” ani Roque.

Sa darating na Nobyembre 13 si Eleazar ay magiging 56-taong gulang, ang mandatory retirement age para sa PNP chief.

Si Eleazar ang pumalit bilang PNP chief noong Mayo lamang sa kontrobersyal na si Gen. Debold Sinas.

TELETABLOID

Follow Abante News on