WebClick Tracer

Sara Duterte sa mga supporter: Awat na sa mga motorcade

Nanawagan si Davao City Mayor Sara Duterte sa mga organizer ng Cotabato-to-Manila caravan na huwag na itong ituloy dahil nakapagdesisyon na siyang huwag tumakbo sa pagka-pangulo.

Nakatakda ang “Sara All Philippines 2022″ motorcade mula November 4 hanggang November 15 upang hikayatin si Mayor Duterte na sumabak sa presidential race.

Pero ayon sa presidential daughter, hindi ito matalinong hakbang lalo na nasa gitna ng pandemya.

Hinimok na lamang niya ang mga organizer at tagasuporta na gamitin ang pera pambili ng pagkain para sa mga nagugutom at mahihirap.

“Let us not unnecessarily contribute to global warming. Let us save on fuel,” saad pa niya.

Noong Oktubre 2 naghain si Mayor Sara ng kanyang certificate of candidacy para sa pagtakbong mayor uli ng Davao City.

TELETABLOID

Follow Abante News on