Isang ginto, tatlong silver at isang bronze medal ang napanalunan ng mga Pinoy na sumabak sa 2021 Online World Taekwondo Poomsae Open Challenge na ginanap kamakailan.
Ang nagiisang ginto ay ibinulsa ni Angelica Joyce Gaw matapos humakot ng 7.650 points sa under-30 Open female individual category.
Si Justin Kobe Macario naman ang isa sa mga silver medalist ng bansa matapos umiskor ng 7.420 sa men’s over-17 division.
Silver din ang inuwi ng magkapatid na sina Vincent Gabriel at Paul Anthony Rodriguez sa kanilang 7.310 score sa family pair category.
Ang ikatlong silver naman ay nakuha ni June Ninobla sa iskor niyang 7.470 sa men’s under-60 category.
“The members of our team always pour their hearts out in every competition. They really made us proud,’’ pahayag ng kanilang coach na si Rani Ann Ortega.
Sa naturang torneo ay 48 bansa at halos 600 atleta ang lumahok. (mjd)