WebClick Tracer

Mga nurse hirap umasenso sa ‘Pinas! Robin Padilla bumanat sa mga politiko

Lungkot — ‘yan daw ang nadarama ngayon ni Robin Padilla tungkol sa pag-alis ng maraming Pilipinong nurse para makipagsapalaran sa ibang bansa.

Pahayag ni Padilla sa kaniyang Facebook post, bagama’t nakalulungkot daw na makakita ng mga nurse na umaalis ng bansa, may karapatan naman daw ang mga itong maghanap ng trabaho sa ibang bansa para sa kanilang pamilya.

“Napakabigat sa puso pero tayo ay nasa malayang lipunan. Masisi ba natin ang ating mga nurses kung hindi nila makita ang pag-asa at pag-unlad nila dito sa ating bansa?” ani Padilla, na tatakbo sa pagka-senador sa 2022.

Dagdag pa nito, isang dahilan ang marahil na pagsasawalang bahala sa serbisyo at malasakit ng mga kababayan sa mga health worker.

“Anong silbi ng kanilang pagseserbisyo at pagmamalasakit kung sila ay naiiwan sa pag-asenso at walang kasiguraduhan ang kinabukasan. May mga pangarap din ang mga nurses sa buhay at sa pamilya nila,” sabi nito.

Sinabi rin ng aktor na ang maduming politika at pagkukulang ng mga pulitiko ang nag udyok sa mga nurse na umalis ng Pilipinas.

“Habang nakikita at napapanood nila ang mga politikong nagbabatohan ng Mga Baho ngunit matagal na ring nagpapakasasa sa kayamanan at bulsa ng inangbayan na dapat ay naipapamahagi sa kanilang ating mga bayani,” saad ng aktor.

TELETABLOID

Follow Abante News on