WebClick Tracer

Dalagita nasunog katawan

Nagtamo ng first-degree burns sa iba’t ibang parte ng katawan ang isang 17-anyos na babae matapos masilaban ang suot niyang costume para sa modeling competition sa Estancia, Iloilo noong Linggo.

Ayon sa ulat, suot ng biktima ang gown at nire-retouch ng mga kasama niya gamit ang glue stick at lighter.

Ani Estancia Police chief Joebert Amado, nasunog ang magkabilang braso at binti ng biktima. Nasunog din aniya ang bahagi ng tiyan at dibdib ng biktima.

“Habang nagre-retouch sila ng costume ng victim, gumamit sila ng lighter para pangsindi (sa glue stick) kaya nasunog ang costume,” lahad ni Amado sa 24 Oras report.

Nagtulong ang mga residente at mga miyembro ng Bureau of Fire Protection at Emergency Responders para maapula ang apoy.

TELETABLOID

Follow Abante News on