WebClick Tracer

Brownlee, Harris, McDaniels balik PBA

Balik sa PBA ang paboritong import ng mga Barangay Ginebra fan na si Justin Brownlee.

Bukod kay Brownlee, kabilang sa mga pamilyar na sa liga na magbabalik sina Paul Harris, KJ McDaniels, Mike Harris at Henry Walker.

Si Paul Harris na unang naglaro sa TNT noong 2011 ay lalagare sa Phoenix.

Lalaro naman sa panig ng NLEX ang dating NBA veteran at import ng TNT noong 2019 na si McDaniels.

Tinapik naman ng Rain or Shine ang isa ring ex-NBA player na si Walker, na dating naglaro sa Blackwater.

Si Mike Harris, na tinanghal na Best Import noong 2018 Governors’ Cup sa Alaska, ay magiging reinforcement ng Magnolia.

Samantala, kinuha ng defending all-Filipino champion TNT ang serbisyo ni McKenzie Moore, na lumaro na sa koponan sa 2019 East Asia Super League.

Isasabak naman ng San Miguel ang ex-Phoenix import na si Brendan Brown habang palalakasin ng dating NLEX import na si Ola Ashaolu ang Alaska.

Mga first time sa PBA ang isasabak ng Blackwater (Jaylen Bond), Meralco (Shabazz Muhammad), NorthPort (Cameron Forte) at Terrafirma Dyip (Antonio Hester).

TELETABLOID

Follow Abante News on