WebClick Tracer

Bata sinuwerte sa bigay na laptop ni Ping

Napabilib si Partido Reporma standard bearer Sen. Panfilo “Ping” Lacson sa isang 11-anyos na bata dahil sa galing nito sa chess.

Kaya hindi nagdalawang-isip si Lacson na magpaabot ng tulong sa batang si Al-Basher Buto.

Kuwento ng ama ni Basher, nagkampeon na ang kanyang anak sa pagsali sa kompetisyon kung saan kalaban nito ay mula sa iba’t ibang bansa tulad ng Japan at Korea.

Pangarap raw ni Basher na makatuntong sa World Chess Championship sa Europe pero nagkaproblema sila sa internet at laptop.

Kaya naman laking pasasalamat ng pamilya ni Basher sa regalong laptop ni Lacson na naging lucky charm ng bata dahil palagi na siyang nagkakampeon dahil dito.

“Ang dami na pong pinag-championan nito. Kung wala po ito, hindi po siya makakasali. Ito ay malaking bagay sa amin po. Sa pag-aaral niya lalo na ngayon online,” sambit ng ama ni Basher.

“Masaya po ako, pagkatingin po ng product po nagulat po ako kasi Apple po, eh ang Apple po mahal po,” saad naman ni Basher.

“Salamat po Tito Ping sa bigay n’yo po na laptop dahil po dito mas lagi po ako nagcha-champion. Lalo na po ngayon online tournaments at saka mas maganda po ‘yung pag-practice,” dagdag niya.

Ang pinakabongga aniyang nakuha niya sa tulong na laptop ng #KakamPingTunay na si Lacson ang National Chess Federation of the Philippines National Master.

TELETABLOID

Follow Abante News on