WebClick Tracer

Abalos: Mall hours sa NCR pahahabain

Nagkaisa umano ang mga mall operator sa NCR na pahabain ang oras ng kanilang operasyon lalo’t nalalapit na ang holiday season, ayon kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chairman Benhur Abalos.

Ayon kay Abalos, iminungkahi niya sa mga mall ang pagpapahaba ng kanilang operating hours bunsod na rin ng pagdami ng mga sasakyan sa EDSA na maaari namang magdulot ng trapiko.

“Pumayag naman ang mga malls,” wika ni Abalos.

Pagdating naman sa pangamba ng mga mall operator tungkol sa curfew na maaaring tamaan kapag pinahaba ang kanilang operating hours, sinabi ni Abalos na maglalabas sila ng panibagong resolusyon tungkol sa curfew.

Ang NCR ay isasailalim sa Alert Level 3 mula Nobyembre 1 hanggang 14.

Bukod sa pagpapahaba ng mall hours, pinayagan na rin ang mga pampublikong sasakyan na magsakay ng hanggang 70% ng kanilang kapasidad. (mjd).

TELETABLOID

Follow Abante News on