WebClick Tracer

Plano ng mga senador na dalhin sa Korte Suprema ang memorandum ng Palasyo, welcome kay Duterte

Welcome kay Pangulong Rodrigo Duterte ang plano ng ilang senador na dalhin sa Korte Suprema ang pagkuwestiyon sa inilabas nitong memorandum na nagbabawal sa kanyang mga gabinete na dumalo sa imbestigasyon ng Senate Blue Ribbon Commitee.

Sa kanyang Talk to the People, sinabi ng Pangulo na sa wakas ay nakita rin ng mga senador ang liwanag at dalhin sa Korte Suprema ang legalidad ng kanyang inilabas na memorandum.

Kahit aniya huli na ang plano ng mga Senador ay dapat talagang ang korte ang magpapasya at nakahanda ang Ehekutibo na sagutin ang magiging argumento ng mga ito.

“At last, the members of the Senate Blue Ribbon Committee has finally seen the light,” anang Pangulo.

Wala aniyang ibang magpapasya sa gusot sa pagitan ng Malacañang at Senado kundi ang Korte Suprema at malalaman dito kung paano ipinakita ng mga senador ang asal sa mga ipinapatawag na mga opisyal ng ehekutibo.

“We are not saying that we are the best mind here. It’s a question of law and you could go either way. You win, you lose,”dagdag ng Pangulo.

Sinabi ng Presidente na magiging depensa ng Malacañang pagdating sa Korte Suprema ang kopya ng buong imbestigasyon ng Senate Blue Ribbon Committee kung paano umasta , mambulyaw at mang-insulto ang mga senador sa mga ipinatawag na mga opisyal kaugnay sa mga biniling medical supplies ng gobyerno para sa pagtugon sa COVID-19 pandemic.

“Alam mo, pagdating ng Supreme Court, ipa-subpoena lang namin yung entire proceedings nakuha ng tv. I think government has also sa record. Sabihin namin sa Supreme Court, tingnan mo ang actuations, look at the behavior. Do You think that you’d be happy appearing there answering questions for the government?,” wika ng Pangulo.(Aileen Taliping)

TELETABLOID

Follow Abante News on