Kasalukuyang nakakandado ang 73 lugar sa Metro Manila ayon sa Philippine National Police (PNP).
Ayon sa ulat ng GMA News, naitala ang mga lugar na isinara sa 49 barangay sa National Capital Region.
Anang PNP, kasama rito ang 48 bahay, 16 residential buildings, at 5 subdivision.
Dahil dito, nagpakalat ang ahensya ng 281 PNP personnel at 179 force multipliers para siguruhing naipapatutulad ang health standards sa kanilang lugar. (VA)