Dahil sa pagdagsa ng tao, isasarado ang dolomite beach tuwing Biyernes para sa maintenance ayon sa Manila Bay management.
“In the coming days, we will be putting the additional adjustments. Una diyan gusto namin ipaalam sa publiko na magsasarado po kami tuwing Biyernes ng buong araw,” wika ni Jacob Meimban Jr, deputy executive director of the Manila Bay Coordinating Office, nitong Linggo.
“Bigyan niyo kami ng isang araw yung dolomite beach dahil sa libo-libong tao pumapasok,” dagdag pa niya.
Dahil sa pangamba na maging super spreader event din ang pagdagsa ng tao rito, sinabi ng opisyal na dinoble na rin nila ang mga parak at marshals para masigurong naipapatupad ang COVID safety protocols. (VA)