Ibinahagi ni ‘hot mama’ Sunshine Cruz ang ilan niyang routine sa pagpapanatili ng kanyang timeless beauty at magandang body figure.
“I’m already 44 now, nagkakaroon tayo ng mga hormonal imbalance, nagkakaroon ng pimples,” sambit ng aktres sa “Unang Hirit.”
Aniya, para mapanatili ang kanyang magandang pangagatawan at kalusugan, tubig, eherisyo at tamang pagkain ang naging susi niya.
“Drinking lots of water really helps. Thirty minutes to an hour of working out or even cardio is very, very important and lots of sleep. Talagang kailangan healthy food ang ating kakainin. Mild skin care ang importante,”
sey niya.
“And of course always live a very happy and positive life,” dagdag pa niya.
Kasalukuyang may tatlong dyunakis si Sunshine – sina Angelina, Angel at Sam. (VA)