WebClick Tracer

Higit 1,400 susubukan sa Ivermectin

Sa Nobyembre umano sisimulan ng Department of Science and Technology (DOST) ang recruitment sa higit 1,400 indibidwal na sasalang sa clinical trials para sa bisa ng ivermectin kontra COVID-19.

“Ang ating patient recruitment ngayong Nobyembre at ang release ng preliminary results ay sa end po ng December 2021,” wika ni DOST Undersecretary for Research and Development (R&D) Dr. Rowena Cristina Guevara.

Aniya, 1,464 indibidwal ang tangka ilang ma-recruit para sa tinatawag nilang “double-blind, placebo-controlled, randomized controlled trial” ng ivermectin.

Layunin ng P22-million project na makita kung epektibo at ligtas ba ang ivermectin sa mga asymptomatic at non-severe COVID patients sa bansa.

Tatagal ng walong buwan ang naturang pag-aaral.

TELETABLOID

Follow Abante News on