WebClick Tracer

Camarines Sur inuga ng lindol

Inuga ng magnitude 4.2 na lindol ang Camarines Sur nitong Sabado ng umaga.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), naganap ang lindol ng alas-3:44 ng madaling-araw sa northeast ng Canaman.

Naramdaman ang Intensity 5 sa Naga City, Canaman at Pili habang Intensity 4 sa Sipocot.

Intensity 2 sa Iriga City at Intensity 1 sa Daet at Mercedes.

Wala namang inaasahang aftershock na idudulot ang lindol ngunit posibleng maging sanhi ng pinsala sa mga apektadong lugar.

TELETABLOID

Follow Abante News on