WebClick Tracer

BBM camp kapit-tuko sa Oxford degree

Nanindigan ang kampo ni presidential aspirant Bongbong Marcos na nakakuha ang dating senador ng degree mula sa prestihiyosong University of Oxford.

“We stand by the degree confirmation which was issued by the University of Oxford. It is up to anyone to question or challenge this with the said university if they so please,” pahayag ng chief of staff ni Marcos na si Atty. Victor Rodriguez.

Wika pa ni Rodriguez, kailanman ay hindi nagsinungaling ang dating senador sa kanyang educational background.

“[He] has always been forthright on his conferment of a special diploma in social studies by the distinguished university and has never misrepresented his Oxford education,” aniya.

Ang pahayag ng Marcos camp ay kasunod ng inilabas na statement ng Oxford Philippines Society na si Marcos ay ‘matriculated’ lamang sa Oxford noong 1975 para sa kursong Bachelor of Arts in Philosophy, Politics and Economics.

Ayon sa grupo, ang ibig sabihin ng ‘matriculated’ ay nakaabot ang isang mag-aaral sa pormal na seremonya sa Oxford na ginagawa sa pagsisimula ng kanyang pagpasok sa naturang pamantasan.

Hindi rin daw natapos ni Marcos ang nasabing kurso sa Oxford.

TELETABLOID

Follow Abante News on