WebClick Tracer

Rappler kinuyog sa binurang presidential survey

Kinuyog ng mga netizen ang website na Rappler matapos i-shutdown ang inilargang presidential poll sa Facebook kung saan bumaha ang “wow” vote pabor kay dating senador Bongbong Marcos.

Noong Oktubre 13 binura ng Rappler ang presidential poll nito.

Mabilis umano ang naging pag-angat ni Marcos mula gabi ng Oktubre 12 hanggang umaga ng Oktubre 13.

Anang Rappler, napansin nito na mayroong mga bumobotong tila Arabo para kay Marcos.

Maaari raw ang mga bumobotong tila Arabo na mukhang fake accounts din ay galing sa isang service kung saan puwedeng magbayad para makakuha ng mga account na magre-react sa isang Facebook post.

Iginiit naman ni Marcos na wala siyang troll army.

Sa kabila nito, hindi kinagat ng mga netizen ang paliwanag ng Rappler at tinawag silang biased matapos i-takedown ang survey.

Trending topic ngayong Biyernes ang hashtag na #RapplerFakeNews.

TELETABLOID

Follow Abante News on