Inamin ni Andrea Torres na bukas siyang magmahal ng kapwa niya babae.
“’Di naman masasabi pagdating sa love eh, ’di ba? So naa-appreciate natin lahat ng klase ng pag-ibig kasi pare-pareho naman,” tugon ng aktres nang tanungin kong willing ba siyang makipag-date sa babae.
Kaugnay nito, sinabi ni Andrea na kasalukuyang bida sa girl love series na “BetCin” kasama si Kylie Padilla, bukas pa siyang gumawa ng mga storya patungkol sa LGBTQIA+ community.
“Willing na willing talaga. Ang ganda ng experience ko rito. Gusto ko gumawa ng stories na ganito,” anang aktres. (VA)