WebClick Tracer

Alec Baldwin nilaro props na baril, cinematographer tigok

Utas ang cinematographer ng ‘Rust’ matapos aksidente umano siyang mabaril ni Alec Baldwin habang nasa taping ng naturang pelikula.

Ayon sa ulat, na “discharge” umano ng Hollywood actor ang props na baril dahilan para pumutok ito at madale si Halyna Hutchins.

Bukod dito, sugatan din ang direktor ng pelikula na si Joel Souza.

Batay sa report, dinala sa University of New Mexico Hospital sa Albuquerque ang 42 anyos na cinematographer gamit ang helicopter ngunit binawian din ito ng buhay.

Samantala, sinugod naman sa isang ospital sa Santa Fe si Souza na siyang kasalukuyang nagpagagaling matapos magtamo ng injury.

Kasalukuyang wala pang komento ang kampo ni Baldwin kaugnay sa nangyaring insidente.

Sa ngayon, wala pa umanong nananagot sa pamamaril at wala pang kaso ang naisasampa. (VA)

TELETABLOID

Follow Abante News on