Pinag-iingat ng mga awtoridad ang mga mangingisda na papalaot sa baybayin ng Sta. Ana, Cagayan at Tandag, Surigao Del Sur sa hapon ng Oktubre 22 hanggang 28 dahil posible silang mabagsakan ng debris mula sa rocket launch ng South Korea.
Batay sa anunsyo ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), maaaring bumagsak ang debris ng rocket sa baybayin na 730km mula sa Sta. Ana at 383km mula sa Tandag.
“As per PhilSA (Philippine Space Agency) report, the launch may cause the danger of falling rocket debris for ships, aircrafts, and other vehicles that will pass through the identified drop zones,” pahayag ng BFAR.
“The rocket debris may also wash offshore towards the Eastern seaboard in the future.”
Ang debris ay magmumula sa space rocket ng Korea Aerospace Research Institute na ‘Nuri’ na nakatakdang paliparin ngayong Huwebes.
“Hence, the DA-BFAR, based on the recommendation of the PhilSA, advises all fishing vessels to stay away from the affected area and avoid fishing and other offshore activities from 2:00 – 6:30 PM,” saad pa ng ahensya. (mjd)