WebClick Tracer

Pacquiao pasimuno ng super spreader event sa Batangas, imbestigasyon ikinasa

Ipinagulong ng Batangas police director ang imbetigasyon sa umano’y ikinasang mass gathering event doon ni presidential apsirant Senador Manny Pacquiao.

Ani Batangas police director Police Colonel Glicerio Cansilao, nahirapan kasi ang kapulisan na kontrolin ang madla matapos magpamudmod umano ng pera ni Pacman.

“‘Yung area doon, parang palengke… Dumog na ‘yun kasi hindi lang doon, actually may usyoso… Kaya kumbaga ang ating mga kapulisan, na-overwhelm,” aniya.

Depensa naman ni Paqcquio sa hiwalay na pahayag, hindi siya nagkulang na paalalahanan ang publiko kaugnay sa pagsunod sa minimum public health standards.

“Hindi tayo nagkulang ng paalala sa mga tao. In fact yung mga pulis natin may placard na ‘social distancing.’ Pinaalalahanan natin sila na para makatulong sa ating gobyerno ay sumunod tayo sa protocol na ipinapatupad ng IATF,” anang Senador.

Samantala, sinabi rin sa ulat ng GMA News na nagkasa rin ng event sa naturang probinsya si presidential candiadte Manila Mayor Isko Moreno kung saan maayos namang nasunod ang COVID safety protocols.

“Mayroong social distancing at the same time, ‘yung umattend doon, prior noon ay mayroong antigen (test) na ginawa,” ani Cansilao.

TELETABLOID

Follow Abante News on