WebClick Tracer

Mall hours posibleng palawigin

Posibleng palawigin hanggang alas-10 ng gabi o hatinggabi ang pagbubukas ng mga mall.

Ayon kay Metropolitan Manila Development Authority Chairman Benhur Abalos, kakausapin nila ang mga mall operator kung posibleng ma-extend ang operasyon ng mga ito.

Aniya, ito ay upang maiwasan ang dagsa ng mga tao kapag Christmas rush hours.

Pinag-aaralan din aniya ng ahensiya na payagan lamang ang mga sale kapag weekends at holidays simula kalagitnaan nitong Nobyembre hanggang Enero ng susunod na taon.

TELETABLOID

Follow Abante News on