WebClick Tracer

Kanye West, ‘Ye’ na lang ang pangalan

Mula sa Kanye Omari West, inaprubahan ng Los Angeles Superior Court na maging ‘Ye’ na lamang ang buong pangalan ng sikat na musician.

“There being no objections, the petition for change of name is granted,” saad ni Judge Michelle Williams Court ayon sa ulat ng Fox News.

Noong Agosto 24 pa hiniling ni Ye sa korte na palitan ang kanyang pangalan, na walang middle at last name.

Sa isang panayam noong 2018, sinabi ng noo’y si Kanye na ang ‘Ye’ ay kinuha niya sa pinaka ginagamit na salita sa Bibliya.

Sa King James Version ng Bibliya, ang ‘Ye’ ay plural form ng ‘you.’

Naglabas din siya ng studio album na pinamagatan niyang ‘Ye’ noong 2018

TELETABLOID

Follow Abante News on